♥ spends most of her time in her room staring at her ceiling *day dreaming* full of glow in the dark stickers
♥ keeps picking on her eye lashes :| because it itches
♥ loves doodling, pizza, boorger, pasta, pucca and every food that she can think of
♥ sometimes makes her own recipe when left alone in the kitchen
♥ loves playing with boomboom *one-eyed pup*
♥ does not have any clue on things she does for the first time
my must haves and must dos
♥ finish this darn template
♥ make cordon bleu
♥ look for a polaroid cam
♥ clean my closet ♥
♥ get a job
♥ meet 10 new people ♥
♥ finish my photo cork board ♥
♥ know more about photoshop *noob*
♥ buy myself cosmetics from Etude House
♥ go to 10 new places this year
♥ outing with friends or by myself
♥ perm
♥ managed my own resto-bar! oh yeah!
pag binaliktad mo yung ox ox . . . edi xo xo :I hugs and kisses :I yun siguro mangyayari sa 2009 . . . hugs and kisses everywhere :I
Less tha 2 hours na lang at January 1 na! Ano naman.
Sakit ng olo ko, kanina pa ko nakatutok sa laptop, nabasa, natapos ko din sa wakas.
Hindi ako excited ngayong New Year, ala kasi paputok . . . booo!
Malamang e pag binuksan ko ang tv e wala na naman ako maiintindihan sa lakas ng putukan . . . umutot na lang kayo! Ayoko na din lumabas para bumile ng kung anu ano . . . di na naman ako nakasimba. Dati kasi di ko napansin may paputok pala sa tabi ko. Kompleto pa naman daliri ko sa paa, yung nga lang nabingi ako. Natawag ata ako non sa labas ng bahay nila Tita Helen sabay may pumutok malakas. Di ko pinansin, yun pala malapit sakin paputok, nakatingin lahat ng tao sakin. Minsan kasi di ko pinapansin yung mga nanloloko na kunwari may paputok malapit sakin, corny kasi nila, akala matatakot ako. Di ko pinansin, cool ako e!
Wahaahah! Time Out! Si mami katatapos lang maligo, ang suot, pulang jogging pants at pulang t-shirt.
Dadi: Ahahha! Ingrid! Tignan mo si mami o! Pulang pula! Ahahaha!
Agatha: Ahahaha!
(sabay dumaan si mami sakin para magsampay, slight na hinampas sakin yung isasampay niya)
Dadi: Eto ne o! Suot mo toh! Santa Claus ka na o! (hawak hawak yung hat ni santa)
Ngayon naman e, nagttry na siya kung ano necklace na susuot niya. Katakot takot sa pagkalaki laki na beads ang sinabit niya sa leeg niya!
~~~
Mamaya na ko magbibihis, pulang shirt lang naman e, hehe!
♥♥♥♥
Sasabog kaya mga paputok mamaya?
3:33 PM
Ambon, ulan, hangin. . . . anlameeeg!
Wala kami balak magpaputok, corny! Ayaw na nila bumile, ewan ko kung bakit, tinatamad siguro maglinis bukas. Dati naman nagpapaputok kami, pero ni minsan di pa ko nakapagsindi ng 5-star. I'm such a loser. :I
Dati naalala ko, bandang dulo ng street namin, mas mabangis ang nagpuputukan don, dito rin naman sa tapat namin, nagpapaputok din sila dadi. Tapos yung kapitbahay din namin, mega paputok din. So ayun, sisindihan na ni dadi yung last na paputok namin. . . Fountain.
Pagdikit ng katol sa wick ng Fountain . . . 5. . . 4. . . 3. . . 2. . . 1 . . . wooosh!! woosshh! wossshh! (di ba ganyan tunog ng fountain :I) Woosshh! tapos humina yung wosshh! Sa sarili namin, wala na toh, tapos na toh. Hanggang sa mawala na nga ng woosshh! Maya maya . . . may malakas na BOGSH!!!!!!!!
Ahahahahha!!! Tumunog yung car alarm ng kapitbahay namin, sabay yung mga nagpapaputok e natulala : )) Si Tito Dante daw (kapitbahay) napanganga sa lakas ng putok at iniwan yung paputok niya, lumapit sa sumabog na fountain! :)) Agaw pansin yun ah!
Ngayon ayaw na nila bumile. . . boo! Siguro Lusis lang bibilhen nung mga yun, para mapausukan lang yung bahay namin, then kainan na!!
Nagluluto na si mami ngayon, nagugutom na ko, sana bilisan niya.
♥♥♥♥
Ubos na ang napulot ko.
12.30.200811:11 PM
Ang post na ito ay unang na type sa Word, then copy paste na lang sa blog .
Since hindi ako narereply sa mga nagtetext sakin na ang number ay hindi naka registger sa cp, tumawag na lang si Sarah pagkatapos kong kumaen ng sandwich na may choco spread, hilaw na bayabas na sinawsaw sa bagoong, brownies ba yun o parang butterscotch something na may choco chips on top at nilagyan din ng choco spread.Nakakagutom :I
So ayun, tinawagan ako ni Sarah,
Agatha:Hello?
Sarah: Hello? Agatha!
Agatha:O?
Sarah:Punta tayo kila Kat,pilitin daw kita sabi nila.
Agatha:Bakit? Ano meron?
Sarah:Di ko alam.
Agatha:50 pesos lang pera ko!
Sarah:Haha!
Agatha:e 50 pesos lang pera ko e. kasya na yun noh?
Sarah:Edi sabihin ko sa kanila magdodonate kami, na re-receive mo ba mga text ko?
Agatha:Oo, e di ko kilala number kaya di ako nagrereply, hehe!May topak phone book ko kasi yung isang phone walang charge.Ano oras?
Sarah:Di ko lam e, tetext kita.
Agatha:Ok, pakilala ka ha!
So nagbihis ako, wala ako pants dit0 sa bahay kaya shorts na lang suot ko, maluwag . . . shit!So nag belt ako, then nag Obamers at Viking Def habang nahintay ng Go Signal kay Sarah para di ako maghintay ng matagal sa Jabi.
Pareho kami lito kung asan ang bahay ni Kat, hehe, pero medyo familiar naman, so lumagpas kami ng onti, nilakad na lang naming.Di pa kami sure kung yun nga yung bahay, buti na lang malakas boses ni Apol : ))
Pagpasok naming sa sala, ayon si Apol, nakaen popcorn na hawak hawak ni Luis (bunso kapatid ni Kat)inapakan nga ako ni Luis sa paa e . . . di ko lam kung bakit :Itapos binigyan niya ko ng popcorn na galling sa bibig niya, sabi ko ayaw ko :I : ))
Tambay kami sa may garahe, buti may tindahan sila, nakita ko yung Stik-O kaya sabi ko pabile, si Apol gusto Nips, si Sarah gusto Sponge, naglabas si Kat ng Royal . . . SOLVE!
Habang nakaen kami at nagkkwentuhan, nangungulit si Luis, haha!Tapos pag kukurutin siya ni Kat . . . sasabihin niya, “hindee ate, hindee na hindee na” (nakataas kamay) =))
Habang nalakad si Luis na nakayapak e naka tiptoe =))tapos habang nakaupo kami don, biglang may fireworks, so gusto rin niya makita, kaso biglang nawala . . . edi lumabas siya para abangan, naka tiptoe pa din siya =))
Tapos ayon!Biglang may fireworks ulet, sabi naming “Luis! Luis! Ayon o! Fireworks!”sabi niya habang nakatiptoe at natingin kung san san “Saan?Ha?Saan?” =))Tapos na ang fireworks hinahanap pa din niya! Wahahahahaha!!!!
Haaayy. . . gusto pala nila mag mall, kaso wala ako pera so hindi na lang.Sayang, todo bihis pa naman si Apol, samantalang kami nakapambahay lang : ))
Habang kinukwento ni Zye (late) yung about sa sis . . . err. . . kulani niya sa kelekele, lahat kami, especially ako e nahawak na sa kelekele ko! =)) Pano may something daw sa armpit niya, akala niya kung ano, so pina-check up niya. Habang kinukwento niya yun, lahat kami ay nakahawak sa kelekele namin :I
Nagpunta kami sa bahay ni Apol para makapagpicture dahil moody daw ang cp na dala niya, pag inoopen yung lens e biglang naglo-lock yung phone, so atat na atat siya nag mag smile na agad yung mga nasa harap niya habang nagana pa =))
Napagawi din kami malapit sa bahay ni Junio kaso nagyayaya na si Zye na umuwi . . . ako din kelangan na umuwi pero sila ng kapatid niya, sumakay na gad sa tric, kami ni Apol, Kat, Junio, Sarah e naglakad papunta boundary.Bibile sila isaw at ako ay nauna na, hehe!
♥♥♥♥
Nagbabasa lang ako ng Breaking Dawn ng biglang . . . :))
12.29.20089:17 PM
Ang gulo sa labas :I Andito ako sa loob, retard talaga si mami :))
Kuya: (bumaba) Di na ba kayo kakaen?
Dadi: O maghaen ka kakaen tayo. (sabay punta sa kusina)
Mami: Pano kakaen wala naman ako kakainin? (vegetarian siya)
(sabay kausap kay Tita) Bili na! I-reflexology mo ko!
Tita: Hindi nga pwede!
Mami: Bakit hindi!?
Tita: Kasi nga may masakit kang nararamdaman, baka lumala pa
Mami: HIndi totoo yon!
Dadi: (bumalik) O Ayon, kumaen ka madami gulay sa ref.
Mami: Eeehh! Wala naman e . . . ay mag pipino kaya ko! Sige penge Pipino! Agatha! Kaen tayo pipino!
Dadi: Ingrid wag!
Agatha: (habang nagbabasa naka flat face)
Dadi: Tulog na ba si Ingrid?
Mami: Hindi tulog yan, nilalaro niya yung kanyang laruan.
Dadi: Pano maglalaro yan, nag cocomputer yan!
Mami: Hindi! Sabi sayo maganda yun e, nakita ko yang korona na yan!
Tita: Hindi korona hinahanap niya, bubong hinahanap niya.
Mami: Oo! Nakita ko yang bubong na korona na yan e! Andyan lang yan!
Agatha: :I :))
~~~Wala kayo naintindihan sa usapan na yan ano? Ako din :))
OPs! May pahabol pa!
Dadi: Ne! Ano gusto mo lagay sa pipino? Suka na may asukal?
Mami: Hindi kakainin ko lang ng ganyan yan.
Dadi: O ayon, kaenin mo na. (sabay kuha ng pipino at bigay kay mami)
Mami: Agatha??? Gusto mo pipino?
Agatha: (pinipigil tawa) Hindee!! (sabay tawa at bagsak ng ulo sa kama sabay nauntog)
:))
♥♥♥♥
Dome Hunt
5:44 PM
Pahinga mode. Super pagod si Agatha.
Ang pagkaka-alala ko e naghahanap lang ako ng bag para sa retreat and the next thing I know, andon na ko sa kwarto ni Tita . . . tinatanong ko sa kanya kung nakita niya yung mga tao sa Sailor Moon Castle ko. BADABING-BADA-BOOOMM!Yes! Alam niya kung nasan! Aaaahhh!!! Tapos tinanong ko kung nakita niya yung pink dome pati yung crescent moon ornament para don, sabi niya check ko daw sa labas. . . . don sa mga naka-plastic. Nagmadali ako, sinabi ko rin kay dadi habang pinapakita ko sa kanya yung mga chibi, "De! Tignan mo o! Yung binili mo sakin dati! Bubuuin ko!" Tapos lumabas ako, kinuha ko yung plastic don, dahan dahan kasi baka atakihin ako ng mga lamok :I Paglapag ko sa table, aba! Si dadi! Bitbit na yung castle para linisin, si Tita naman bitbit din yung Shoe House pati yung castle ni Sailor Mars. Aaaaahhh!!!
Halungkat . . . halungkat. . . may mga tecks? text? tex? yung fini-flip . . . tama ba spelling? Madaming lego . . . may mga maliit na abubot na malamang e kinuha ko sa mga display namin dati, napagkamalan siguro nila na laruan ko pa rin yung mga yun :D then merong mga Tamiya . . . kinuha ni dadi yun :I may toy mic don, akin yun, chess, si Belle din andon . . . pero ang tawag ni mami sa kanya e "Snow White tapos naging Cinderella" :I haaayyy. . . madami! Halo-halo! Nakita ko don yung ibang mga food na naka place sa ref ng castle. Pero isa lang hinahanap ko . . . yung dome!
Ayan, so far yan ang nabuo ko :D yung 2 pusa nawawala :I
Ang kulang kay Sailor Moon e yung isa niyang pig tail
Yung kay Sailor Mercury naman, nag fade na yung blue hair niya pati yung boots niya.
Nawawala yung isang shelf for the plates, cups, etc. Pero mukhang di na masyado kelangan kasi nawawala din yung golden plates :I
For Sailor Jupiter, yung gem sa tiara niya e nawawala :I Unlike sa iba, yung kanya yung parang pini-pin down . . . i dunno why. Nawawala din yung pony nya :I nalaglag ko dati, pero andyan lang yan :D . . . nag fade na din yung gloves niya.
Kay Sailor Venus naman, nag fade din yung hair then may lines na sa face niya. Tapos ayan yung ref! Walang food!
Kay Naru, wala siyang problema sa katawan :I
Ayan ang problema ko! Wala yung pink dome! Yung Crescent Moon nakita na ni Tita.
~~~~
May nakita din ako mga toys ko na medyo useful at maayos ayos.
Yung Sulala na binigay ni Mami sakin. Tracer yan, ipplace mo yung paper don sa yellow clipboard tapos yung picture na gusto mo i-drawing e sa isang side. Bahala ka na mag angle kung pano magrereflect yung image sa clean paper. :D I never got it :I
Vanity Case. Gusto ng exposure nung kamay ni Drew :I Battery operated para magkaroon ng lights, tapos diyan nakalagay dari yungmga fake na eye shadow :I mga Bracelet na mabilis mapigtal :I
Shoe House :D Yung bell sa top e missing, may door sa end ng shoe at yang mga naka higa na nasa loob, di sila ang totoong nakatiradyan :I
Eto naman yung mga natira na lang sa Barbie Market ko. Yep! Meron ako dati kaso yungmga gulay e nawala pati yung fruits, nakita ko pa kanina yung cash register . . . mga parts ng stands. Meron din dating push cart iyan. Haayyy nakakapang hinayang kasi sa mgapanahon ngayon, wala nang kwenta yung mga barbies apti yung mga accessories na naka display sa mga Toy Store. Mas maganda pa yung akin dati, dati kasi nabili siya dati and dati maganda sila kasi may ulo pa sila non at hindi pa kalbo :I
~~~~
Madami dina ko nakitang basura sa mga naka plastic, isa na dito eto.
I tried my luck :D nabile ako ng mga ganyan in case mabuo ko yung word na "Tamacotchi" e magkakaroon ako ng Tamacotchi! Di ba Tamagotchi? Bat ganun!
Missions:
Pinturahan ang castle dahil nagfade na o naging dark? Di ko lam, basta di pantay kolay!
Pipinturahan ko din ang mga chibi at gagawan ko ng paraan ang mga hair do nila.
Hahanap ako ng gold srat and moon stickers or magpiprint ako para sa walls and carpet
Mission of all Missions :I :
Hanapin ang dome! Hanapin ang dome! Hanapinang dome! Pagdi ko nahanap gugupitin ko talaga yung Hello Kitty na lamp shade ko na kolay pink!
Ang dami ng pinagpapapatong ni dadi kanina para lang makapag-improvise ng dome. Pati yung laruang plato pinatong niya :I
♥♥♥♥
Body Clock
12.28.20087:23 PM
Kahit na sobrang late na ko matulog, automatic na gigising ako ng 11 am . . . gutom. :I
Dati naman, sabi ni Mely, kapag inisip ko daw na gigising ako sa specific na oras e magigising ako. No need for an alarm clock or wake up call. Pano kasi . . . tinutukso ko siya pag nagising siya ng 6 am araw araw :I Kaya sinasabi ko sa sarili ko na "Gigising ako ng 10. . . 10 . . . 10" sinasabayan niya ko ng "4. . . 4 . . . 4. . . " :I
Na-interrupt ang aking pag type . . .yung 3 Minute Game Show ng Camp Rock sa Disney Channel e sinasagutan ni Dadi :I Tumatama siya :I
~~~~
May naalala pala ako na nangyari nung Friday. Si mami kasi yung unang nagpagupit, so ako, habang basa ang buhok e magbabasa na lang ng magazine muna. Yung nag shampoo sakin . . . super maasikaso. May malaglag lang na buhok ko sa clip e aayusin niya, papagpagin niya yung mga nagupit na hair kay mami agad.
(Cheetah Girls palabas ngayon . . . Ewh. Hindi ako may hawak ng remote . . . si dadi :I)
Ayon . . . so nakaupo lang ako don . . . nagbabasa ng mag . . . mayamaya minasahe na niya likod ko :I Ang sakit! Una ang diin ng mga strokes niya . . . hindi na ko makapagbasa sa mga oras na yon :I Buti may tumawag sa kanya. :I
Nung nakaen naman kami, sa katabing table namen e may pamilya na ubod ng dami ng pagkaen. Andon ang dadi, ang mami, ang lolo, isang brat kid at ang kanilang nanny. Ayaw nung kid mamigay ng food niya, sabi siya ng sabi na kanya yon . . . kakainin niya yon . . . ayaw niya bigyan dadi niya. Nagma-make face din siya pag napagsasabihan. Tapos pinagki-kiss niya yung mami at dadt niya sa lips :I pumunta siya sa gitna ng mami at dadi niya at sabi "Mami, mami! Dadi! Dadi! Kiss niyo ko!" :I sinabi niya yan habang nakangiti . . . bungal siya :))
♥♥♥♥
for a moment, i looked like a tomato
12.27.20088:17 PM
Nanonood ako ngayong Iron Chef America. . . a challeger VS. Chef Cat Cora. Bakit kelangang sumigaw nung Host kapag nire-reveal niya yung Secret Ingredient :I nanlilisik pa yung mata 8I
Ayan, kakatanong lang ni mami kung gusto ko ba daw gumawa siya ng Squash Soup . . . ewh.
Nag sauna me :D that's why namumula arms ko, di na ko nag second round kasi nilalamig na ko at gusto ko na matapos maligo.
Napaaga ang ligo ko, after non, di pa pala na boil yung mixture for steaming, so pinapapak ko yung choco spread.
Mami: O! Dapat di ka nakaen!
Agatha: Di naman ako nakaen ah! (sabay kuha ng spread)
Mami: Dapat 30 minutes before ka pa kumaen kung magsa-sauna ka.
Agatha: Di naman ako nakaen ah! (sabay subo) :I
Dati. . . a week before our prom . . . 3rd year ako non, nag try ako mag sauna. . . nahilo ako :I So second time ko pa lang ngayon.
Bat nga ba ako nag sauna??? Malameg eh! :I
~~~~
I had one of those dreams na naman . . . nalipad ako :D dito sa street na naman namin. Nagpapahinga at natutulog sa mga bubong ng kapitbahay para di makita ng kalaban :I Natakbo din ako sa daan . . . pag may kalaban sa likod ko e gagamitin ko na wings ko para makaandar ako habang nakikipaglaban :I May hawak hawak akong powerful weapon na kinukuha ng mga kalaban kaya nila ako hinahabol . . . sword yun . . . ang name e "Zagato" :I amp! Sa Magic Knight of Rayearth yun e!
Bakit kaya ang weird lagi ng mga dream ko???
♥♥♥♥
walang magawa kundi tumaba
2:26 PM
Hindi na aabot ang HazelNUT Chocolate sa New Year. Oha! Kaya ko nga tinago dati para wala makakita at kumaen neto, pero ngayon, dum dum dum!
Ginagawa ko siya dip ng crackers ngayon, sawap!!!! Yung peanut butter di ko ginagalaw don, baka magtampo :I Gusto ko ng Goober! Gooberrrr!!! Gooooobeerrrrrrr!!!!!
Makapagbasa na nga lang ng Breaking Dawn.
♥♥♥♥
It has been a long day
12.26.200811:53 PM
Sa dami ng nangyari e tinamad na ko mag elaborate kung anu ano yung mga yon.
Let's see . . .
Naglinis ako room, less sneezing and lots of dust. That's for New Year, new sheets for my bed, pillow cases and blankie.
~~~I just remembered, but I did rold someone about it. I had trouble sleeping last night/morning, dunno why . . . too much coffee perhaps. It was odd, I'm not sure if I was having a dream . . . I was laughing . . . no clue why : I Flashes of Jose Rizal :I That's all I can remember. Weird.
I had my hair trimmed :D It's about time I had a hair cut, it was too sudden . . . good timing. I was slipping on my pambahay when my dad asked me if I want to go with my mom. She's having her head semi-shaved :I Barber's cut :I it's her treat. Layered-cut with side swept bangs :D
Bought Ate Myla and her husband a gift. My mom has to make ammends for not being on their wedding.
And lastly, plans for our supposed Dec 27 trip to Pila, Laguna. Bahala na si Batman.
♥♥♥♥
the weirdo family . . . tenenenen tent tent!
12.25.20083:37 PM
Buchog mode.
After naming gumawa ni mami ng greeting card for her peeps :I Kumaen na naman ako, di ko naubos second round ko.
Habang nananahimik ako sa kitchen, tinanong ni mami kung gusto ko daw iced coffee . . .
Agatha: Sige!!
Mami: O hugasan mo blender!
Agatha: :I Eh, nakaen ako e!
Dadi: Haha! Hugasan mo daw blender . . . oo ka kasi ng oo eh.
~~~~
Mami: Asan na blender (sabay kuha)
Agatha: Pano ka gagawa iced coffee, wala ka namang yelo
Mami: E ok lang yon.
Agatha: :I Bibile ko?
Mami: Sige bile ka.
Tapos lumabas ako . . . then . . . whow! May nakalatag na 50 pesos sa harap ko . . . tingin sa kanan . . .wala tao . . . tingin sa kaliwa . . . may girl . . . eehh what the heck? Sabay kuha ko nung money! Whahahaah!
Pagbalik ko . . .
Agatha: Wala yelo! Wahahah! De! May napulot ako 50!
Dadi: Ay yan yung nawawala ko 50.
Agatha: Ano ka!?
(Sabay pasok)
Agatha: Me! Wala yelo e . . . may napulot ako 50!
Mami: Naku! Kawawa naman nakalaglag nyan
Agatha: :I
Mami: O kumuha ka na neto.
Agatha: O sige, lalagay ko muna sa ref.
Mami: Ayan! I f-frappe ko na (frapey)
Agatha: Anong (frapey)?!! Frappe! (frap!)
Mami: Onga! Wohaha. If-frappe (frapey) ko na.
Agatha: Frappe (frap) nga e!
Sabay akyat ako sa room ni kuya para kalikutin lappy
Agatha: Oi! Nakapulot ako 50!
Kuya: San?
Agatha: Sa kanto
Kuya: Baka yan 50 ko.
Agatha: :I Noh ka.
At ngayon ay bino-blog ko na ang kaweirdohan namin :I
Viking def . . . ang bagal mag load!
Ang sakit ng likod ko, kabigat ng inaanak kong napakahaba ng name, binuhat ko kanina kasi kelangan, kung san san pumupunta.
AHAHAHAHAHA!
Kanina, madami namamasko, then may boy na may hawak na plastic full of candies, tapos si Eia (tama kaya spelling?) yung inaanak ko habang may hawak hawak na lobo e hinihila yung mga candies. Yung boy e ayaw ibigay, hinatak din. Sabi ko sa kanya, "uyyy. . . bat mo kinukuha candy nya? :I"
Sabay pumasok ako para manghingi ng barya, pagkatingin ko sa labas e hinatak ni Eia yung sleeve nung boy :)) Ang lakas amp! Na out of balance yung boy e!
Siguro ganire yun
Eia: Wow candy! AKin na!
Boy: (nakatingin kay Eia na nakakakunot noo) Noh ka?! (Sabay hila)
Eia: (hinatak yung sleeve nung boy) Akin na! (habang hawak yung shirt nung boy) You want a piece of me hm!!?
Boy: (naka-flat fes) Chill.
:))
Kanina naman, natabig niya yung baso kasi may kinuha siya sa basket, nabasag yung baso. Tapos sabi ng mama niya . . . "Lagot. . . nabasag o . . . lagot si Eia"
:))
Si Eia naman napa-upo sa upuan, hawak hawak yung stick ng pumutok na lobo tapos tuliro :))
Di nakurap :)) Napapa buntung hininga na lang. . . .waahahahahah! :))
Na interrupt lang ang kanyang pagkatulala nung nilagay ko sa tabi niya yung oatmeal cookies :))
Tapos, nung nilapag ko yung cp ko sa table . . . aba hawak hawak na niya! :)) Akala ko nagtext siya ng smiley kasi may nakita ako na curve something . . . kinukuha ko . . . ayaw ibigay . . . at sinend pa!!!! :)) Tapos sinend ulet! Ay siya di ako unli :I
Tapos pumuwesto siya sa may stairs, ako namin kinuha ko cp sabay ni-lock ko para okay lang kung magpipipindot siya . . . hala ayun! Pindot pindot sabay tumigil . . . may nagtext . . . whahahahaha!! Si Booji! Whahahaha!!! Ano daw yung "J" :)) Akala kung anong code! :))
Tapos nung paalis na sila, habang buhat buhat ko dahil naakyat na sa taas . . . nag bless siya kay mami, sakin ayaw mag bless :I Sabi ko sa kanya . . . uyy!!! Ako ninang mo! :I
♥♥♥♥
Dinner
11:29 AM
Last night we had a visitor, Toshi, my mom's associate on some project. She invited him for dinner since he's not with his family on Christmas eve. Nice guy, shy but polite.
Dinner proper:
My dad sat at his usual seat, Toshi took my brother's place, my mom and I switched places that night and my brother sat on the other end.
Menu:
Japanese are used to be served, you have to ask them to try some of the food or else they won't have some. Same thing about drinks, you have to pour some on their glass while they hold it with their both hands like that holding a tea cup. Hmmmm.....
My mom made a few introductions with each dish, to start of we had Sinigang with shrimps :D, my mom placed a lot on his bowl.
Then my dad cooked Adobo, have been bragging about it all the time. Then there was Relieno, Crispy pata and Laing . . . courtesy of Tita Melba, who dropped by earlier that night.
My mom kept on insisting that Toshi would finish all the dishes laid out in front of him . . . if she did that to me . . . oh boy. After dinner, they head back to the living room, watch some Japanese channel, then switched channels then there was a choir or something. I didn't know what went there because I was too busy washing the huge plates. That's what I get for not helping on their cooking.
Poor guy, his flight for today would be 6 in the morning, so he should be in the airport by 4 am. It was late last night, the plan was to dropped him at the hotel, using our neighbor's car. Family first so we didn't rush them when they had their Noche Buena, Toshi kept on looking at his wrist watch, he must be tired. Who wouldn't be exhausted when you came from Ortigas . . . took the bus and then rode the Tricycle. My brother insisted on getting a cab on their way here but my mom said it's too expensive and it's fine if they take the bus.
My dad went out to look for a cab so Toshi could get some rest at the hotel, good thing there are some. My mom jot down the plate number and the driver's cel number. The driver droppped his phone somewhere in the car so he asked us to call it. :I
That night ended with me in my bed . . . having a good night sleep. We're all too tired to have another dinner.
Merry Christmas!
♥♥♥♥
Tikim tikim
12.24.20085:37 PM
Hours away from Noche Buena . . . pero pinapak ko na ang pasta. Red sauce ngayon, may hipon! wee! Tinanong ni mami kung ano lasa, sabi ko masarap, sabi niya "Very good!" :I ay sus.
Naa-adik ako ngayon sa Viking Def, hehe! Mahirap ang stage 3 at ang bagal tumira ng mga watch towers.
May mga mamamasko na din tom, sana mga bata lang, yung mga matatanda. . . wag na! Ako nga di na ko pumupunta sa bahay ng mga ninang ko e, sila na pumupunta dito :I para ibigay gift nila sakin, hehe!
Haha! Ano kaya ibibigay namin tom, e sarado na mga banks at hindi nakapagpalit ng 20s and 50s.
Sine-set na ni mami mga plates don, nag ting! na din yung niluluto nila na di ko naman makakaen dahil mawawasak braces ko.
Hindi rin ako makapag-gm ng Merry Christmas dahil di ako unli at ang gulo ng phonebook ko. Charger!!!!
Time out muna, lalaro ako viking def :D
♥♥♥♥
in between
12.23.20088:01 PM
Ako ay nasa kalagitnaan ng may sakit at ng walang sakit, masama pakiramdam ko pero wala akong sakit. Meron ba non?
Nagkukulong na naman ako sa kwarto dahil wala akong magawa kundi suminga, magpunas ng luha habang nasinga at suminga. Pesteng sipon, aaarggghh!!! Eto siguro ang bunga nung napagitnaan ako ng lahat ng taong kilala ko ng may sakit. Ilang beses nila ako hinahawaan e walang epekto non, ngayon lang dumating.
Nakahanda na yung mga hebigat na plates for tomorrow, ayoko maghugas . . . por favor. Chineck ko din yung site baka may bagong ep na ng Gossip Girl . . . may ep. 14 . . . preview amp!
Lameg, higa na ako para masaya.
♥♥♥♥
Pesteng Sipon
1:56 PM
Aaaahhh! Di ako makahinga ayos! Kagabi pa ako ganito, shit naman!
Tapos na ko magbasa, book review na lang then the group works' are next. Isang isang isang info lang naman ang kailangan ko (namin) para matapos na lahat ng ito e . . . yun e kung pano pumunta ng Pila.
Sleepy sleepy sleepy me.
♥♥♥♥
Aaaahhhh cccchhhoooo!
12.22.200810:27 PM
Time out sa pagbasa for the Book Review
I'm not feeling well, why now? Pasko na a a! How can I enjoy our Christmas meals if all I can do is sneeze and blow mi nose. . .waaahh! Di ko na din makaen chocolate, basta akin yung choco spread, hehe!
Obos na strepsils, tinanong ko kuya ko meron pa siya . . . sabi ko "Ya! May Strepsils ka pa?!?!" Tapos sabi ni dadi habang na solitaire sa lappy . . . "Anong stripe-sils!? Strepsils!" Tapos sabi ko naman . . . "Onga! Ano ba sabi ko?!"
Wala lang : I
Makati lalamonan ko, i hate it :I Di ako makatulog ayos . . . i hate it :I Ayan. Kaka blow ko lang ng nose, onting onti na lang lalabas nakung anumang organ ang nasa loob ng ilong sa lakas kong suminga.
Balik basa na ko, last chapter for tonight.
♥♥♥♥
panaginip ko
12.21.20088:04 PM
Kagabi na naman nangyari ang mga pinaka weirdo kong panaginip.
Kahapon kasi nagluto ako ng fries gamit ang margarine dahil walang cooking oil.
Sa panaginip ko, (wait! nakakatuwa yung mga confetti ng lovah lamp! haha! lalo na kanina nung nagsisimula palang sila umangat, sunod sunod tapos pa spiral yung motion, lufet!)
Ayan, sa panaginip ko kagabi, si Artee daw ay pumunta ng bahay, pagkabukas ko ng pinto andon siya sa kalsada, may dalang gift . . . nung nakita niya ko, nakangiti siya, tinaas niya yung kamay niya habang hawak hawak ang gift niya . . . "cooking oil" : I
Tapos may scene naman na nakaen ata kami at nagtampuhan, tumingin siya sa likod niya, pagkalingon niya ulet sakin, nagtatatakbo ako : I palayo. . . mabilis. . . habang natakbo ako natingin ako sa likod . . . na clockwise ako habang natakbo : I kaya niyo yon? : I Hinabol din niya ko kaya binilisan ko, may part pa nga na "Parkour" ako : I
Dito lang sa subdivision nangyari yung dream ko, paikot ikot ako, natakbo hanggang 2nd street, pagkaliko ko sa left, bumalik ako sa street namin, may trail pa ngang naiwan si Booji. Di ko lam kung pagkaen : I obvious nga na ili-lead niya ko sa bahay namin e.
Ang gulo, may mga part na di ko ma-explain.
Ngayon alam ko na kung bakit ako nagkakaroon ng mga ganung dream, yung ibang part e galing sa previous na mga pinag-uusapan o sa mga nangyari sakin, tapos yung ibang part . . . weird lang talaga, di ko lam kung san napulot yun ng utak ko habang tolog ako.
♥♥♥♥
Goodmorning
11:55 AM
11 na ko nagising, ang ingay nila sa labas pero ayoko na sumigaw dahil masakit lalamunan ko. Kagabi nga nakaen pa ko strepsils habang natutulog, buti di ako nahilik kundi mabibilaukan ako. Di ko rin alam kung pano naubos yon, basta nakatulong yon sa paglunok ko.
Pag gising ko, nag gigift wrap sila mami pati si tita kasama si drew. . . haha! Ako naman, naghanap ng pagkaen, ayaw pa ako pakainin ni mami kaya pinaginitan ko yung mga pang regalo ni kuya na oatmeal cookies. Nagpaalam ako, sabi ko
Agatha: Ya! Penge oatmeal cookies!
Kuya: Pang regalo yon e!
Agatha: Sige na!
Kuya: Eh!
Agatha: Sige na! Edi regalo mo sakin!
Kuya: O siya! Kumuha ka!
Yey! pero kakaen muna ko ngayon, kasi di umabot sa tiyan ko yung oatmeal cookies habang nanonood ng 102 dalmatians, nakakaiyak ang mga aso.
♥♥♥♥
Kasakitsakit ng paa ko at kalakilaki na ng eyebags ko
12.20.20088:29 PM
After 1 week, ako'y nakapag blog ulet, sakit ng paa ko dahil panay tapak ng mga taong walang pakialam sa daan, pati balikat ko . . . siguro kung di ako gagalaw sa gitna ng mga stalls e yuping yupi na katawan ko.
Ang daming nangyari ngayong week. . . sa kapaguran ko e tinatamad na ko mag isip ng maisusulat. Bat pa ko bag blog?! : I
May Lava lamp na kew! Bigay ng lalaking may maarteeng bigotee! Kolay green with confetti and everything! Pinicturan ko nga kaso na low batt ang digi cam, ang cp ko naman wala pang silbi sa ngayon dahil wala ako charger.
May hoody na rin ako! yes! 2! yung isa di ko sure kung kasya pero Thank you kay Ressa!
May t-shirt ako! Dati pa. :I
May red dress ako with pockets! Mhm mhm!
May slippers ako! Putrages walang size 10! Bibile ako nung sa toeberries, isang year of the monkey (green) pati year of the sheep or snake (blue & yellow) haha! Sabi akong sabi wala namang size amp!
Wala pa ang aking nanay at tatay, sila ay nasa alabang. . . umuwi na kayo, dapat kanina pa kayo umuwi, gutom ako kanina, walang cooking oil! Niluto ko ang fries gamit ang isang katutak na margarine!
Gustong gusto ako ng mga lamok ngayon, kagabi pa during paskuhan, pilasin ko mga pakpak nyo e.
May lava lamp ako, magiging color phlegm ang aking room memeye. Thank you booji! Pinaiyak mo ko. > :P
♥♥♥♥
3 down, 1 more to go
12.14.20088:48 PM
Tapos ko na Eclipse, slut pala si Bella e : I Si Jacob naman manunulot : I
Pag friends . . . friends lang, may bf na nga tapos pupuntahan pa ang werewolf . . . pssshhh. Kawawa naman si Papa Edward : I
Kung ako author, ang gagawin kong love story e between a vampire and a werewolf. . . bangis! Para talagang sun and moon, ayos yon! Tapos yung magiging anak nila e naked little werewolf with bat wings. . . whoa! Cross-breed!
Papahinga ko muna ang aking mata at sa Christmas beak ko na babasahin ang Breaking Dawn, yan e kung makakapag pahinga nga ako sa Christmas break. Papahanapin ko muna si Kuya ng Paulo Coehlo ng masimulan ko na ang Book Review, kelangan ko nga pala manood ng movie para sa Rizal . . . sows! Di naman major, umaastang importante! Plato's Republic . . . di ko lam kung ano yon. Baka makalimutan ko, ibblog ko na lang yung mga dapat gawin sa Christmas Break. May thesis pa ko at wala pa kaming nasisimulan sa Cultural Tourism.
Wooooohh! Merry Christmas to me!
♥♥♥♥
Beerday Party
4:07 PM
May children's party ngayon sa harap at may bading na host na nang uuto ng mga bata.
Dati nung may birthday party ako lagi akong may sakit, kaasar nga e. . . lagi akong naubo, grumpy, di ko man lang ma-enjoy ng todo. . . tapos naalala ko may heart-shaped cake ako color pink! Ayos! Pero di ko naalala na nakakaen ko talaga yung cake kasi hanggang icing lang ako tas yun. . . ubo na!
Dati din nagdugo pa ilong ko. . . ano ba naman yon! haha! Syempre umiyak ako at pumasok sa room, tapos maglabas ko may bagong bisita . . . ka-office mate ni Mami, may dalang Barbie na Cheerleader and Centennial Barbie . . . pero mahilo hilo pa ako non kaya di ko agad nalaro.
Meron ding time na sobra akong nilalagnat at nasa kwarto lang ako. . . No party for me pero may cake and stuff toy and Barbie wearing a pink gown with metallic butterflies tapos may magnetic rose wand. . . astig! Galing kay dadi yun, nagising ako andon na lahat ng regalo sa tabi ko . . . pagkatingin ko, sabay tulog. :I
Ang napapansin ko nga e puro cake at ice cream na lang ata nakakaen ko pag may handa ako non, may spaghetti naman o kung anu ano pa.
Nagugutom tuloy ako.
Ang hindi ko ata naranasan e mag hire ng clown sa beerday ko, same old tricks . . . creepy in a way kasi di ka ata tatantanan non pag ayaw mo sumali sa games. Hindi rin ata ako nag mascot . . . di naman sa takot ako don, pero kung meron akong ganun dati, mag a-attempt siguro ako na kalabitin siya at magtago hanggang sa mahilo siya sa kakahanap. :))
♥♥♥♥
Ang Future ng Aking Palasyo ay maging Banyo
11:33 AM
Sira ang charger ko kaya ngayon e walang kwenta ang cp ko.
Kanina habang nakaen kami . . . eto ang nangyari
Kuya: Asan si Mami?
Dadi: Pumunta don sa Death Anniversary ni Pareng Blas
Kuya: Ople?
Dadi: Oo, pati may kikitain pa yun don (nakalimutan ko name non)
Kuya: E ano plano niyo gawin sa daños pag nakuha na?
Dadi: Edi lalagay sa bangko, Bakit? May bilhin ka?
Kuya: Wala. . . hindi niyo papa-ayos yung 2nd floor?
Dadi: Ah, may plano ako diyan e. Maglalagay ako 3 room sa taas, tapos may open space don tapos dito sa baba. . . etong CR na toh, diyan ko lalagay yung hagdan tapos maglalagay ako bar.
Kuya: Eto? (sabay turo) Wawasakin niyo?
Agatha: Kakagawa lang e
Dadi: Oo, tapos yung magiging CR e yung kwarto ni Ingrid (ako yun)
Agatha: : I Gusto ko kwarto ko sa 3rd floor
Kuya: Wala, panget yun. Edi magrerenta tayo sa isang bahay?
Dadi: Hindi, bile ako :D Mananalo ako sa lotto e, hehe! :D
Kuya & Agatha: : I
Dadi: O ano? Gusto niyo magpataya? Malaki jackpot ngayon.
Agatha: Lagay mo 23! Panalo ka non!
Dadi: Onga, lumabas na yun nung nakaraan e
Agatha: Lalabas ulet yun!
Kuya: Lagay mo 20, 25, 29
Agatha: 18, 23, 27
Dadi: Sulat niyo, malay niyo tumama. Si mami niyo sabi ng sabi ng numero wala naman lumalabas
"Ang nagwawagi ay di tumitigil and di tumitigil ang nagwawagi" - Ramon Geron
Yan ata motto niya pag nataya ng lotto : I
♥♥♥♥
Ay talaga nga naman
12.13.200810:23 PM
Kita mo nga naman ang pamilyang toh . . . kelan pa nagkaroon ng hippo sa Bethlehem???
Nakikita niyo yung Christmas Tree? Wala. . .Christmas tree siya. Diyan namin lalagay nga regalo namin . . . either matatabunan yang maliit na pekeng puno na iyan o pagpapatung patungin namin yung mga gifts tapos ilalagay namin yan sa tuktok. . . Whoa!
Naawa na sakin sila mami at dadi . . . binili na ko fries para di na maubos ang patatas at wag na daw ako magpakahirap mag hiwa at gumawa ng mojos. Sarap sarap e . . . yey! Mag pepesto ulet tom! Nag request ako :D
Natapos ko na ang Reaction Paper, bahala si mam . . . di ko naintindihan yung film.
"Shut up and Let me go" - The Ting Tings
Na LSS na ako, haha! Masarap makinig ng mga songs kapag pagod o madami iniisip at pati pag may battery pa ang cp ko, hehe!
Sana may mag regalo sakin notebook! Para di ko bitbitin lappy . . . kasakit ng balikat ko nung Friday! Na drain energy ko, ang masama pa e ang sarap sarap ng upo kosa bus non sabay katabi ko e malaki . . . ipit si Agatha!
♥♥♥♥
nakanang
3:09 PM
Kaka-download kolang ng mga mp3's. . . yes! may bago na sa playlist ko! hehe! I got new soundtracks from Gossip Girl . . . Gooooooooo Chuck! I think it's the last episode for the season? I hope not. Anyway. . . I'm trying to write a reaction paper about Kurosawa's Crows,
"Where did Vincent Vang Gogh?"
Yan ang naiisip ko nung napanood ko yung film, malamang hindi yan yung ibig sabihin non kasi may weirdo utak ko.
Bloc Party - Signs
Download niyo yan . . . lullaby
Ang hinihintay ko na lang ngayon e ang latest episode ng One Tree Hill which will be aired next year. . . naman!
Rumor has it that it will be the last season for the Ravens, dinecline kasi ni Chad Michael Murray pati ni Sophia Bush yung offer . . . oh no.
♥♥♥♥
12:33 AM
Nakaka-high blood ba ang Langka? May nakita ako sa ref. kala ko kung anu nakalagay sa tupperware, kala ko apple. . . pag bukas ko. . . Yes! Langka! Himay na!
Anyway, nainggit ako sa post nung isang blogger. May post siyang "The Island of Feelings" e gaya gaya ako... kaya naghanap ako parable
The Cracked Pot by unknown [parable]
A water bearer in India had two large pots, each hung on each end of a pole which he carried across his neck. One of the pots had a crack in it, and while the other pot was perfect and always delivered a full portion of water at the end of the long walk from the stream to the master’s house, the cracked pot arrived only half full.
For a full two years this went on daily, with the bearer delivering only one and a half pots full of water in his master’s house. Of course, the perfect pot was proud of its accomplishments, perfect to the end for which it was made. But the poor cracked pot was ashamed of its own imperfection, and miserable that it was able to accomplish only half of what it had been made to do.
After two years of what it perceived to be a bitter failure, it spoke to the water bearer one day by the stream. “I am ashamed of myself, and I want to apologize to you.”
“Why?” asked the bearer. “What are you ashamed of?”
“I have been able, for these past two years; to deliver only half my load because this crack in my side causes water to leak out all the way back to your master’s house. Because of my flaws, you have to do all of this work, and you don’t get full value from your efforts,” the pot said.
The water bearer felt sorry for the old cracked pot and in his compassion he said; “As we return to the master’s house, I want you to notice the beautiful flowers along the path.”
Indeed, as they went up the hill, the old cracked pot took notice of the sun warming the beautiful wild flowers on the side of the path, and this cheered it some. But at the end of the trail, it still felt bad because it had leaked out half its load, and so again it apologized to the bearer for its failure.
The bearer said to the pot, “Did you notice that there were flowers only on your side of your path, but not on the other pot’s side?
“That’s because I have always known about your flaw, and I took advantage of it. I planted flower seeds on your side of the path, and every day while we walk back from the stream, you’ve watered them. For two years I have been able to pick these beautiful flowers to decorate my master’s table.
“Without you being just the way you are, he would not have this beauty to grace his house.”
Moral:
Each of us has our own unique flaws. We’re all cracked pots. But it’s the cracks and flaws we each have that make our lives together so very interesting and rewarding.
You’ve just got to take each person for what they are, and look for the good in them. There is a lot of good out there. There is a lot of good in us.
Blessed are the flexible; for they shall not be bent out of shape.
Remember to appreciate all the different people in your life. Or as I like to think of it—if it hadn’t been for the crackpots in my life, it would have been pretty boring and not so interesting…
Hail all the Cracked pots!!!
♥♥♥♥
Murahan Marathon
12:05 AM
Putangina may nagme-meow meow na pusa malapit sa bintana ko. Girlpussy ata toh ni Kiko.
Naalala ko si Bor-bor sa pag murahan marathon, nung 3rd year hs kami. . . oonline yung mga iilang tao. . . magco-conference. . . tapos may murahan galore.
Nakakamiss yun, sa classroom dati. . . mananahimik lang muna ako sa isang tabi pag napagod na ko sa kakatawa at ayun. . . sa loob ng classroom habang walang pang "cher" (cher=teacher, San Lorenzonian's pen name for a person either having a good or horrible time during her 1 hour stay in our class)
Pero ngayon, di na ko masyadong nakakapag-mura. . . I sort of outgrew it??? Hindi! Ayoko lang dahil tinatamad ako, pati iniiwasan ko na rin siguro kasi baka di ko ma-control ang sarili ko at kung sino na lang bumangga sakin habang naglalakad e murahin ko.
Pero putangina talaga kasi gago ako : I
♥♥♥♥
Ang title ng post na ito ay Bullshit, magsawa tayo sa kakasabi ng Bullshit
12.12.200811:39 PM
Bullshit na linggo toh. . . nakaraaos man o hindi. . . bullshit pa rin.
May quiz, may nigger day at ang walang hangganan na away o kung ano man ang tawag don, di ko lam
O para sa may mga sama ng loob sakin, murahin nyo na ko sa text, good timing ngayon kasi gabi na tas matutulog na ko tapos sa sama ng loob e pwedeng pwede ako bangungutin...Bullshit!
Ang pinaka bullshit pa sa lahat ng bullshit e wala ka na ngang silbi. . . ipapamukha pa sa'yo. . . ay... Bullshit.
Yung nigger day nga pala e yung argument namin ni Ate Nigger sa dorm, may kausap ako sa labas tapos bigla niyang binagsak yung gate. Nagulat ako pati nabastos ako pati yung kausap ko, kaya bastusan na...Bullshit.
Nigger: Agatha...wag mo iiwan bukas yung gate.
Agatha: Ate! Bullshit ka.
joke lang
eto totoong nangyari
Nigger: Agatha...wag mo iiwan bukas yung gate.
Agatha: Ate, andon ako sa tapat ng gate. . . walang papasok don pero sana di mo dinadabog yung gate!
Nigger: Hindi ko naman dinabog ah!
Agatha: Onga! Hindi nga! Di nga eh! (sarcastic biatch)
Nigger: Aba! Sasagot sagot ka pa!
Agatha: Syempre! May bibig ako!
Nigger: Bumaba ka nga dito!
Agatha: Bat ako bababa!?!?
Gago talaga ako
Wala e, ganun talaga
Pasensya na sa mga naaapektuhan sa kagaguhan ko
Hindi na ko magbabago, ano pang point na magbago ng ugali kung ang tingin naman sayo e ganun na talaga.
♥♥♥♥
para sa mahal ko
12.08.200812:00 AM
Bar Code kuno
♥♥♥♥
Kalokohan
12.07.200811:43 PM
Your Score Summary
You are going to die at the grand ol' age of:
83
What the!?! Ang ginoogle ko e kung pano ako mamamatay! Hindi kelan!
Eto maayos ayos. Sana totoo.
"You are going to die quietly, but everyone will know when you're gone. You will have left a big impacted on someones life...though you just seemed to wonder through life observing people, knowing that people really cared for you. You will die with a warm fighting heart, that doesn't want to let you go."
♥♥♥♥
20-20 vision
10:20 PM
Haha! Astig! Dati andon. . . ngayon wala na! haha! I know what I saw. Mas lalo atang nate-test ang theory ko. That can't be good. Anyway, what can I do? haha! Hihintayin ko na lang ang araw na may magsabi . . . kung sasabihin! haha! For the mean time, I'll do what I'm good at . . . keeping my mouth shut. Haha. . . bangis talaga!
♥♥♥♥
Ang Peyborit kong Dummy
12:08 PM
Si Butters o! Andito sa Whatever Peanut Butter! : I
Alam nyo ba yung wikimap? Andon kami ni Maegee Yu, haha!
http://wikimapia.org/4385575/Springsnowdrop
Yan ang bunga ng walang magawa sa library, hehe!
Anyway, kahapon, bago kami umalis at magpa-repair (na naman) ng palda. . . kumaen muna ko. May silbi rin naman pala yung mga weirdong kung anu ano na binibili ni Mami, kaya kumuha ako tinapay, nilagyan ng butter (whow! butter na naman o!) at naglagay ng "Tartare" : I para siyang cottage cheese na may halong garlic and herbs. Ano itsura non? It looks like "bird shit" :D
Ayan!
"Buttered-bread with bird poop!"
Oha oha!
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ and ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
Voila!
Ubos na!
Oha oha!
2 na naimbento ko!
♥♥♥♥
Huff and Puff
11:01 AM
Super hangin ngayon dito, maaraw na mahangin . . . sana ganito lagi kasi ayoko gumamit ng payong. Ang sakit ngayon ng right hand ko pati yung part between ng kamay at elbow, nanigas yun after ko gawin yung ginawa ko tas nangangalay. 5 oras kasi ako may hawak ng sign pen at may ginawa, si Nerie nagturo sakin non tapos pinakita ko din kay Mely pati kay Angela. 1 1/2 days ko siyang ginawa at kaaaaasaaaaakit ng kamay ko.
Ang daming masakit sakin ngayon, may kumukulam ba sakin?
♥♥♥♥
Puro Pahirap Naman
12.05.200810:08 PM
Bakit ba puro pagawa na lang ng pagawa ang mga prof? 5 oras na nga kami nasa school sabay gusto pa magpagawa ng kung anuano pag nakauwi na kami. Imbis na nagpapahinga na lang e naguubos pa kami ng pera sa mga kung anu-ano.
Kami na nga tong nagbayad ng tuition kami pa tong pinapahirapan! : I Ang mas malupet pang nagpapagawa e hindi naman namin major. Lalo na yang Rizal na yan! E pano kung ang National Hero para sa akin e si Apolinario Mabini?! Bakit hindi siya pag-aralan natin!? Lumpo naging hero...san ka pa?!
Sa isang prof lang naman ako naaasar e, itago na natin siya sa pangalang "Mam Obmerga" : I Back to being Elementary students kami sa kanya, "Class! Again...everybody stand...Good Afternoon!","Class pass your notebooks to the isle on the count of 10, late notebooks will not be accepted....12345678910!"
Supposed to be maglalagay ako ng picture niya dito, yung itsura e tipong siya yung driver ng jeep at bumaba si Jose Rizal ng hindi nagbabayad. . . Ganun itsura niya don. Kaso, kahit papano may konsensya ako.
Pero sa tingin ko wala talaga ako konsensya. Parang tama yung sinabi ni Mam Carin, may point ang galing sa UP. You refrain from doing something bad because you don't want to get caught on its consequences not because you're going to regret such act afterwards. Tama, it's not being always right, it's always being wise.
Ako ay babalik na sa aking trabaho, yan ay maghanap ng mga articles para sa aming thesis . . . ang saya saya talaga!
♥♥♥♥
Wish List
12.01.20084:40 PM
Exchange gift na naman, ang dami kong sinalihan ng ganito . . . ala pa naman ako budget, pati yung nabunot ko ata sa dorm wala pa sinusulat sa wish list, yung kay booji naman, kadali dali. . . di na kelangan bilhen, haha!
Ako din may wish list, nagpapasko din ako!
Wish numbah 1
Gown, walang gagaya, akin yan
Wish numbah 2
Oh yeah! yan ang bahay ng mga super heroes ko. Meron na ako ganyan, binile ako ni Dadi dati, kaso nawala ang mga chibi pati yung hagdan at yung bubong : I pati yung mga ornaments nawala din pati yung mga pagkaen sa ref... oo! may ref dyan!
Wish numbah 3
Flat shoooooeeezzzz, lagi sinisira ni Mami yung akin e
Wish numbah 4
tee syert!
Yan muna, wala na ako maisip. . . manonood muna ako tv
♥♥♥♥
Ano English sa Singaw?
3:28 PM
Pesto Mepabureeto! Ininet ko pero di nagtagal kasi gutom na ko. Mas mae-enjoy ko ang pagkaen kung wala akong singaw. Eto lang ang naalala kong niluto ni Mami na nagustuhan ko : I kasi kadalasan "ok lang" pati "Hindi" Ako lang taong bahay ngayon, nagpa-check up ang aking mami at dadi, okay yun kasi walang sisigaw sakin na magdamag na naman ako nakakulong sa aking palasyo (room)
Inaayos ko pa rin bleg ko, dahil sa nangangapa lang ako, aabutin ako next year. Ansakit ng singaw ko, ay siya, kaen na muna ako.
♥♥♥♥
December 1 pa lang!
11:28 AM
Nagpapatugtog na sila mami ng mga Christmas Carols, Remix pa nga eh, ang lakas lakas! Nakakahiya : I eewh...parents! : I
Bago ako magsimula mag-aral para sa Wednesday quiz (kasi nakalimutan ko book ko para sa quiz tom) hanap hanap template para sa aking bleg. Naiirita na talaga ako sa tugtog.
Papatugtog ako, hehe. Kahapon, inayos ko na yung cabinet ko, tinanggal ko na yung mga damit na ipamimigay ko. Habang ginagawa yon, tsaka ko lang napansin na :
Puro sira pala yungmga ginagamit kong damit
Ang laman ng cabinet ko ay hindi lahat sa akin
Yung mga papamigay ko, puro bago : I
Atching ako ng atching habang nagaayos ako kagabi
Sinabihan din ako ni Dadi na pagtatanggalin ko na yung mga Candy Mag ko sa bottom drawer, di na daw mabuksan yun, onga!