Pahinga mode. Super pagod si Agatha.
Ang pagkaka-alala ko e naghahanap lang ako ng bag para sa retreat and the next thing I know, andon na ko sa kwarto ni Tita . . . tinatanong ko sa kanya kung nakita niya yung mga tao sa Sailor Moon Castle ko.
Tapos tinanong ko kung nakita niya yung pink dome pati yung crescent moon ornament para don, sabi niya check ko daw sa labas. . . . don sa mga naka-plastic. Nagmadali ako, sinabi ko rin kay dadi habang pinapakita ko sa kanya yung mga chibi,
Tapos lumabas ako, kinuha ko yung plastic don, dahan dahan kasi baka atakihin ako ng mga lamok :I Paglapag ko sa table, aba! Si dadi! Bitbit na yung castle para linisin, si Tita naman bitbit din yung Shoe House pati yung castle ni Sailor Mars.
Halungkat . . . halungkat. . . may mga tecks? text? tex? yung fini-flip . . . tama ba spelling? Madaming lego . . . may mga maliit na abubot na malamang e kinuha ko sa mga display namin dati, napagkamalan siguro nila na laruan ko pa rin yung mga yun :D then merong mga Tamiya . . . kinuha ni dadi yun :I may toy mic don, akin yun, chess, si Belle din andon . . . pero ang tawag ni mami sa kanya e "Snow White tapos naging Cinderella" :I haaayyy. . . madami! Halo-halo! Nakita ko don yung ibang mga food na naka place sa ref ng castle. Pero isa lang hinahanap ko
Ang kulang kay Sailor Moon e yung isa niyang pig tail

Yung kay Sailor Mercury naman, nag fade na yung blue hair niya pati yung boots niya.

Nawawala yung isang shelf for the plates, cups, etc. Pero mukhang di na masyado kelangan kasi nawawala din yung golden plates :I

For Sailor Jupiter, yung gem sa tiara niya e nawawala :I Unlike sa iba, yung kanya yung parang pini-pin down . . . i dunno why. Nawawala din yung pony nya :I nalaglag ko dati, pero andyan lang yan :D . . . nag fade na din yung gloves niya.

Kay Sailor Venus naman, nag fade din yung hair then may lines na sa face niya.
Tapos ayan yung ref! Walang food!

Kay Naru, wala siyang problema sa katawan :I
Ayan ang problema ko! Wala yung pink dome! Yung Crescent Moon nakita na ni Tita.
~~~~
May nakita din ako mga toys ko na medyo useful at maayos ayos.


Yung Sulala na binigay ni Mami sakin. Tracer yan, ipplace mo yung paper don sa yellow clipboard tapos yung picture na gusto mo i-drawing e sa isang side. Bahala ka na mag angle kung pano magrereflect yung image sa clean paper. :D I never got it :I

Vanity Case. Gusto ng exposure nung kamay ni Drew :I
Battery operated para magkaroon ng lights, tapos diyan nakalagay dari yungmga fake na eye shadow :I mga Bracelet na mabilis mapigtal :I


Shoe House :D
Yung bell sa top e missing, may door sa end ng shoe at yang mga naka higa na nasa loob, di sila ang totoong nakatiradyan :I

Eto naman yung mga natira na lang sa Barbie Market ko.
Yep! Meron ako dati kaso yungmga gulay e nawala pati yung fruits, nakita ko pa kanina yung cash register . . . mga parts ng stands. Meron din dating push cart iyan. Haayyy nakakapang hinayang kasi sa mgapanahon ngayon, wala nang kwenta yung mga barbies apti yung mga accessories na naka display sa mga Toy Store.
Mas maganda pa yung akin dati, dati kasi nabili siya dati and dati maganda sila kasi may ulo pa sila non at hindi pa kalbo :I
~~~~
Madami dina ko nakitang basura sa mga naka plastic, isa na dito eto.

I tried my luck :D nabile ako ng mga ganyan in case mabuo ko yung word na "Tamacotchi" e magkakaroon ako ng Tamacotchi! Di ba Tamagotchi? Bat ganun!
Missions:
- Pinturahan ang castle dahil nagfade na o naging dark? Di ko lam, basta di pantay kolay!
- Pipinturahan ko din ang mga chibi at gagawan ko ng paraan ang mga hair do nila.
- Hahanap ako ng gold srat and moon stickers or magpiprint ako para sa walls and carpet
Mission of all Missions :I :
- Hanapin ang dome! Hanapin ang dome! Hanapinang dome! Pagdi ko nahanap gugupitin ko talaga yung Hello Kitty na lamp shade ko na kolay pink!
Ang dami ng pinagpapapatong ni dadi kanina para lang makapag-improvise ng dome. Pati yung laruang plato pinatong niya :I