Buchog mode.
After naming gumawa ni mami ng greeting card for her peeps :I Kumaen na naman ako, di ko naubos second round ko.
Habang nananahimik ako sa kitchen, tinanong ni mami kung gusto ko daw iced coffee . . .
Agatha: Sige!!
Mami: O hugasan mo blender!
Agatha: :I Eh, nakaen ako e!
Dadi: Haha! Hugasan mo daw blender . . . oo ka kasi ng oo eh.
~~~~
Mami: Asan na blender (sabay kuha)
Agatha: Pano ka gagawa iced coffee, wala ka namang yelo
Mami: E ok lang yon.
Agatha: :I Bibile ko?
Mami: Sige bile ka.
Tapos lumabas ako . . . then . . . whow! May nakalatag na 50 pesos sa harap ko . . . tingin sa kanan . . .wala tao . . . tingin sa kaliwa . . . may girl . . . eehh what the heck? Sabay kuha ko nung money! Whahahaah!
Pagbalik ko . . .
Agatha: Wala yelo! Wahahah! De! May napulot ako 50!
Dadi: Ay yan yung nawawala ko 50.
Agatha: Ano ka!?
(Sabay pasok)
Agatha: Me! Wala yelo e . . . may napulot ako 50!
Mami: Naku! Kawawa naman nakalaglag nyan
Agatha: :I
Mami: O kumuha ka na neto.
Agatha: O sige, lalagay ko muna sa ref.
Mami: Ayan! I f-frappe ko na (frapey)
Agatha: Anong (frapey)?!! Frappe! (frap!)
Mami: Onga! Wohaha. If-frappe (frapey) ko na.
Agatha: Frappe (frap) nga e!
Sabay akyat ako sa room ni kuya para kalikutin lappy
Agatha: Oi! Nakapulot ako 50!
Kuya: San?
Agatha: Sa kanto
Kuya: Baka yan 50 ko.
Agatha: :I Noh ka.
At ngayon ay bino-blog ko na ang kaweirdohan namin :I
Viking def . . . ang bagal mag load!
Ang sakit ng likod ko, kabigat ng inaanak kong napakahaba ng name, binuhat ko kanina kasi kelangan, kung san san pumupunta.
AHAHAHAHAHA!
Kanina, madami namamasko, then may boy na may hawak na plastic full of candies, tapos si Eia (tama kaya spelling?) yung inaanak ko habang may hawak hawak na lobo e hinihila yung mga candies. Yung boy e ayaw ibigay, hinatak din. Sabi ko sa kanya, "uyyy. . . bat mo kinukuha candy nya? :I"
Sabay pumasok ako para manghingi ng barya, pagkatingin ko sa labas e hinatak ni Eia yung sleeve nung boy :)) Ang lakas amp! Na out of balance yung boy e!
Siguro ganire yun
Eia: Wow candy! AKin na!
Boy: (nakatingin kay Eia na nakakakunot noo) Noh ka?! (Sabay hila)
Eia: (hinatak yung sleeve nung boy) Akin na! (habang hawak yung shirt nung boy) You want a piece of me hm!!?
Boy: (naka-flat fes) Chill.
:))
Kanina naman, natabig niya yung baso kasi may kinuha siya sa basket, nabasag yung baso. Tapos sabi ng mama niya . . . "Lagot. . . nabasag o . . . lagot si Eia"
:))
Si Eia naman napa-upo sa upuan, hawak hawak yung stick ng pumutok na lobo tapos tuliro :))
Di nakurap :)) Napapa buntung hininga na lang. . . .waahahahahah! :))
Na interrupt lang ang kanyang pagkatulala nung nilagay ko sa tabi niya yung oatmeal cookies :))
Tapos, nung nilapag ko yung cp ko sa table . . . aba hawak hawak na niya! :)) Akala ko nagtext siya ng smiley kasi may nakita ako na curve something . . . kinukuha ko . . . ayaw ibigay . . . at sinend pa!!!! :)) Tapos sinend ulet! Ay siya di ako unli :I
Tapos pumuwesto siya sa may stairs, ako namin kinuha ko cp sabay ni-lock ko para okay lang kung magpipipindot siya . . . hala ayun! Pindot pindot sabay tumigil . . . may nagtext . . . whahahahaha!! Si Booji! Whahahaha!!! Ano daw yung "J" :)) Akala kung anong code! :))
Tapos nung paalis na sila, habang buhat buhat ko dahil naakyat na sa taas . . . nag bless siya kay mami, sakin ayaw mag bless :I Sabi ko sa kanya . . . uyy!!! Ako ninang mo! :I