WADDUP! SKIBIDEEEBOPBOP! |
Agatha Ingrid
♥ spends most of her time in her room staring at her ceiling *day dreaming* full of glow in the dark stickers
♥ keeps picking on her eye lashes :| because it itches
♥ loves doodling, pizza, boorger, pasta, pucca and every food that she can think of
♥ sometimes makes her own recipe when left alone in the kitchen
♥ loves playing with boomboom *one-eyed pup*
♥ does not have any clue on things she does for the first time
my must haves and must dos
♥ finish this darn template
♥ make cordon bleu
♥ look for a polaroid cam
♥ clean my closet ♥
♥ get a job
♥ meet 10 new people ♥
♥ finish my photo cork board ♥
♥ know more about photoshop *noob*
♥ buy myself cosmetics from Etude House
♥ go to 10 new places this year
♥ outing with friends or by myself
♥ perm
♥ managed my own resto-bar! oh yeah!
|
Fesbook |
Tumblr |
Twittah! |
First Blog Ever
|
November 2008
December 2008
January 2009
February 2009
March 2009
April 2009
May 2009
June 2009
July 2009
August 2009
September 2009
October 2009
November 2009
December 2009
January 2010
February 2010
March 2010
April 2010
May 2010
June 2010
July 2010
August 2010
September 2010
October 2010
November 2010
December 2010
January 2011
February 2011
March 2011
April 2011
May 2011
June 2011
July 2011
August 2011
September 2011
October 2011
November 2011
December 2011
January 2012
February 2012
March 2012
April 2012
May 2012
June 2012
July 2012
August 2012
September 2012
October 2012
November 2012
December 2012
January 2013
February 2013
April 2013
May 2013
July 2013
April 2014
|
Planner
1.31.200910:50 PM
Last day na ng January, beerday ni Maegee, Go saint. Walang wala na talaga akong gana magsalita, magkwento, tumawa . . gusto ko lang matulog hanggang March tapos balitaan niyo na lang ako kung patay na si Gloria o kaya kung may maaawang tanggapin ako sa trabaho o kaya pag mag mamarch na kami sa PICC. Mas gugustuhin ko na lang matulog, skip niyo na birthday ko, walang kwenta naman yun, imbis na ako lang nagcecelebrate lahat na ng tao parang birthday . . . tsk. Ayon, gisingin niyo na lang din ako pag indian mango season na ulet. Sa tambak tambak at walang katapusang work, pasakit at kung anu ano pa, di mo ba gugustuhin matulog? Tangina ni Ate Arlene sa dorm, bullshit ka, umagang umaga nagtetext ka . . . kaya kami late e. So sa buong Feb, ganito ang sistema . . . gigising, kakaen, papasok, uuwi, kakaen, matutulog. tapos.
♥♥♥♥
|
Agatha the Chocolatier
1.24.200910:01 PM
Whoa! I own the "BeyBooji" Company! May mga factory at stores na ko sa iba't-ibang panig ng mundo! Sana may ganyan, para pag wala ako nakuha work ngayong year gagawa na lang ako ng mga chocolicious! Yung totoong nasimulan ko na na game e nasa lappy, kaso laggi dala ni mami so dinownload ko dito. Ang yaman ko na, bwohohohohoh! Nakalimutan ko pa maligo at nagmamadali pa ko kumaen para makapaglaro. Balik sa game!
♥♥♥♥
|
booooo
12:58 AM
The world stops for the Beloved
. . .
but for some,
Love has to wait.
♥♥♥♥
|
I'm feeling the Love today
1.16.200910:03 PM
Weee!!! Love love love love love la la love . . . makes the world go round!!! Love love love love love la la love . . . makes the world go round! Gossip girl season 2 episode 15 is still loading, One tree Hill season 6 episode 13 . . . standby. Currently munching Knick Knacks wafer, blogging and facebook . . . so let's sing. Love love love love love la la love . . . makes the world go round!!! Ngayon lang yan, dahil sa buwan na dapat umikot ang ang mundo ko dahil sa love e mukhang titigil ang mundo ko para sa minamahal at para sa walang hangganang trabaho :| kaya . . . Love love love love love la la love . . . makes the world go round!!! Nang-huhunting kami ni dadi ng ipis kanina, hinihintay lang namin lumabas ulet dahil nakatakas :|
♥♥♥♥
|
Nagbabago na ko buhay : |
1.11.200910:41 AM
I'm back! After 1 week, balik upo ako at nagbblog . . . magu-upload din ako ng pics dahil may utang ako sa mga taong walang camera na dala nung Retreat. Yep! Ang buong 4T1 at 4 H1 ay galing sa Calaruega/Caleruega : | di ko lam spelling. Super lamig at laging naulan. Day 1: Welcome to meFirst time ko punta sa Retreat House ng UST e, gising ng maaga, nagmadali . . . sabay 9 am naman pala aalis, si Amper nagawa pa mag yosi : | siya na lang hinihintay non. Medyo napaaga ang pagdating namin, kaya habang nililinis pa yung Tomasino at Catalina Hall, picture picture muna, hehe! Pagkalinis ng room e may stampede kuno dahil unahan sa mga double deck, mabilis napuno yung side na malapit sa CR kaya sa kabilang side kami at pinagdikit dikit ang mga double deck dahil takut aku! Habang tambay muna kami, nakahiga . . . at tinatamad pa akong magpalit ng shirt dahil naputikan sa paglalakad ko, eto ang ginawa naming mga abnormal.           So dami attempt, wala kasi kami photographer kaya pahabaan ng kamay, kung hindi si Mely edi ako ang kokoha : | Sa wakas! Natapos na ang session at bed time na para samin, sabi ni Sir Raul (facilitator) sa Catalina Hall daw, yung pinagsstayan namin, may nagpapakita daw na old lady, pero dahil sa madaming tao, di siya lilitaw.
So after ko maligo, lumabas ako para may signal, sabay nagbibiruan pa kami nila Ngng non, pagkalingon ko may naka white dress na may belo na nakatakip sa ulo at may hawak na kandila, naka face siya sa bintana. Amp! Nagulat ako! Hahaha! Pasok ako sa loob sabay nagmumura, si Ngng din pumasok! Haha! Sabay sabi ni Pau "May multo bang natakbo!!?" Mga boys lang pala yun, tangina! Hhaah!
Day 2: Happy Birthday to Beybu and to BoojiEarly bird kami, para mauna maligo . . . ang lameeeggg!!!! Si Mely nauna gumising . . . as usual, siya kasi wake up call namin, after niyang mang gising e pumunta na kami sa labas para makita sun rise, maulap kaya ang nagpakita lang e liwanag : | Pagkababa namin, nakasalubong namin si Sir Roy, gigisingin niya yung mga lalake kasi ayaw magsibangon, kaya nanghingi ng tulong samin . . . ayon! Si Kate ang nangbulabog, pagpasok pa lang e nagsabi na ng "GOOOOODDDD MMMMMOOORRRNNNNIINNNGGG!!!!!" Nakita ko yung isang HRM biglang nagising :)) Pinuntahan nila yung mga kaklase naming boys na malamang e yamot na yamot. Then , punta kami sa Dining Hall para mag breakfast, kami ni Kate yung food server so habang wala pang tao, kaen na kami agad sabay tatayo na lang pag may dadating. After non, punta kami sa Hanging Bridge :D           Ayan, di lang iyan yung mga pics, meron pa kay Gela pati kay Kate Next ang confession, habang nakapila kami, tinanong ko si Zaidee, "Nakakaiyak ba ang confession?"  Ayan, alam ko na sagot, ang alam ko si Mely e tumahan na ng mga panahon na yun, nung biglang dumating ako galing sa room para magpunas ng face dahil nag hilamos ako . . . ayan! Umiyak ulet : | Ano confession ko? Bakit ako umiyak? Bakit? Pari ba kayo? Samin nalang dalawa ni Father yun! :p Ang daming activity sa araw na toh, pagod na pagod kami ni Kate dahil medyo na-dedelay ang mga meals namin dahil kelangan mag serve. Nung gabing yun, may activity, parang speed dating yung set up, after 30 secs, exchange seats clockwise tapos kakausapin mo yung nasa harap mo . . . sasabihin mo "You make a difference in my life, I love you and Thank you!" Minsan di ko sinasabi yan sa mga kakakilala ko pa lang, nakikipagkwentuhan lang ako, haha! Yung iba kahit kakakilala pa lang . . . friendly naman, shake hands, hugs tapos kwentuhan na! Hehehe! Nung napatapat ako kay Princess, walang nangyari sa 30 secs namin, sigaw lang ako ng sigaw :)) Nae-excite kasi ako at yung mga kaklase ko na yung mapapatapat sakin. Nung si Zaidee napatapat sakin, waahh!!! Umiyak ako kasi humahagulgol na siya! :)) Ayun! Tuluy-tuloy na! After non, may mga chant, tapos bonded na yung 2 section, nag wave :)) tapos may ginawang AVP si Luigi. Wala talaga akong planong maligo nung gabing yun, kaso baligo na ko kasi pawisan ako, para next day di na ko ligo. After namin maligo, relax na kami sa higaan, gutom ako so kinaen ko yung oishi ni Gela. Tawanan pa din, si Joan gusto maglaro ng "Kamote Ako" na malamang e talo ako kasi natatawa na ako agad kaya si Zaidee kalaban niya. Kami naman nila Parocha, Mely, at Gela e naglaro ng "Bahay Kubo" Si Mely pala ay di marunong :)) kaya si Kate pumalit. Habang nakanta, pagdating sa part na "kundol! blah blah blah" di ko na masyado alam yun kaya sila na lang pinakanta ko. Habang nalaro kami, biglang nag brown out! Naglapitan kami sa isa't isa . . ako naman! Gumulong at nagyaka p ng unan at sigaw ng sigaw para masaya!!! :)) Nalukot yung mga letter na sinulat ko :)) After non, yung mga naka settle sa kabilang side e naglipatan sa side namin dahil sa sobrang takot. :)) Day 3: Uwian ne!
Huling hirit ng mga facilitator at kami ay pinapaiyak pa din, may mga nag share kung ano yung natutunan nila sa retreat, di na sana ako iiyak kaso may nagsabi about sa father nila na medyo naluha ako . . . wah! Ang eye liner ko! Tapos naiyak din ako kasi may mga lalaki na umiiyak, ewan ko ba! Pag ang lalaki kasi pag umiyak ata e sobra sobra. After lunch e kinuha na namin yung mga bags namin at punta na sa bus sabay labas at . . .    Bye bye na sa Calaruega/Caleruega, antok na ko at gusto ko na matulog! Nag vivideoke sila sa bus, ako naman, kahit anotk na e ayaw matulog. Ang suki sa mic e babagsak din . . . :|  Yan ang white lady kuno na bumisita sa hall, at ang pagpaparamdam niya ay yapak na malakas at nag-iwan ng candle sa tinayuan niya . . . nagtulo pa ng wax para tumayo yung candle : |
♥♥♥♥
|
chill na lang
1.03.20092:33 PM
Malameg pa din, plano ko lagyan ng ending yung mga ginawa kong review. Hindi ko na madagdagan :| nakakaloko yung mga dancers sa Wowowee :| Tumawag si Booji, basa kelekele non :)) di ko siya marinig, kasi alakas ng TV pati nang i-eavesdrop si dadi :| I can tell. Kunwari nanonood pero hindi yan :| wala na ko ma type :| chill na chill talaga ako ngayon.
♥♥♥♥
|
kulang ako sa tulog, batuhin ang nagiingay na kapitbahay
1.02.20097:44 PM
May gumising sakin . . . 4 am . . . si dadi :| ang aga naman, sabi ko mamaya na dahil 5:30 ko plano bumangon. Nae-excite ata ako kasi di ako makatulog, nakakainis yung ganun, sakit tuloy ng ulo ko ngayon. Pag bangon ko . . . BOGSH! Ang lameg!!! Nag-inet pa ko ng tubig, nung chine-check ko kung andon sa cr yung mga gagamitin ko . . . isa pang BOGSH! May naaaaapaka-laking gagamba! dum dum dum! Tinitigan ko lang siya, kasi baka gumalaw e :| at least alerto ako. Waah! Ayaw niya gumalaw, di ko naman mapalo ng walis kasi baka mutant yun bigla akong lagyan ng sapot! o kaya! Lumaki yung pwet niya! ooohh maaayy gaaadd!!! Hindi ko talaga mapalo kasi ewh. Kaya don ako sa kabila naligo :D Tric na ko, nakita ko SLEX . . . yes! Walang traffic! Pagdating ko para sumakay ng bus . . . No! Walang bus! Buti may dumaan, pumunta pa ko Buendia para sabay sabay kami, sayang secret sayang. Habang andon ako sa bus, yung ako lang mag-isa, gusto ko manood ng tv, lagi naman e, para di ako antokin. Sabay yung lalaki sa harap ko, ang likot ng ulo amp! Nagsabi na nga akong "Pota!" kasi di ko maintindihan pinapanood ko. Bakit ganun? Bakit ang lilikot ng ulo ng mga naka-upo sa harap ko pag nasa bus ako, o kahit wala sa bus, sa room din, putrages yang ulo ni V******a. Ayan, nakarating na ako sa Buendia, nag Siopao muna ako dahil gutom na ko, natalsikan pa ko nung sauce! Nabinyagan ang aking hoody. Tapos pinuntahan ko na sila Mely sa other side sa tapat ng terminal, sayang talaga. Antok na antok ako pero di ako makatulog, si Zaidee gusto pa videohan yung arch ng Pila . . . nung nakita ko naman huli na . . . letter P lang nakita ko! Ang dami naming nakitang lupang may tanim . . . "Agrarian Reform!" Uber din sa lameg! So ayon, nakababa na kami sa Pila, akala namin kelangan pa pumunta sa Sta. Cruz, sabay picture na agad. Holiday so walang office. . . walang tao . . . walang mag-aasikaso. Buti nagawan ng paraan, kahit medyo iritado si Counselor. . . siguro natae siya nung dumating kami pero accommodating naman kasi kinuha pa yung susi para makapasok kami sa Church pati sa Museum, then walking tour para makita yung Restored Houses. Medyo di ako satisfied kasi mas mataas yung expectation ko na kumpul-kumpol yung houses, pero medyo hindi pati hindi mukhang old. haha!!  Eto ang una kong kinunan, church yung nasa left then dormitory yung nasa right.  Eto di ko alam kung Chinese inspired, eto yung Municipal Hall ng Pila and kasali siya sa one of the most beautiful munisipyos daw.  Yan yung field ng plaza, may mga nag-sho-shoot ng commercials, movies, etc. Dyan . . . madami langgam!  Eto daw yung isa sa pinakamagandang houses na na restore mm, maganda yan :D  "Hardin sa Casa ni Juanito" Masyadong bonggacious ang mga halaman kaya di makita yung bahay. hardin na puro green :D  Eto ang Museum nila . . . mini lang  eto yung mga isa sa nakita ko, di ko lam kung ano toh :| Puro numbers, kala ko typewriter pero puro numbers ang andyan Sabi Calculator daw :|  :| Sanay tayo sa GOMBURZA, ano? Kala ko typo lang e, pero sabi, kahit pagbabaliktarin mo, yan pa rin yung 3 pari :| Edi pede . . . ZAGOMBUR, BURGOMZA, GOMZABUR, BURAZMOG, MOGRUBZA at marami pang iba. ~~~ So ayon, ambon, tigil, ambon, tigil. . . hanggang sa iwan na kami ni Counselor dahil siya'y may visitors daw. Pagkaalis niya, kaen na kami agad, may nakita kami mga tapsilog don sa tapat ng museum . . . tapat na tapat . . . pagkalabas mo pa lang ng pintuan ng museum e mapapakaen ka na : | Since kulang sa security yung town na iyon, pasasalamat na rin nila na may nagbabantay sa mga artifacts . . . sila manang :|
May nakita akong porkchop don sa kabila e, pero nagsi-upo na sila sa unang karinderya . . . eto ang menu!
 Parang text twist lang! Maiba lang ng syllable e ibang pagkaen na :| Natatawa nga ko kasi mali mali yung naluto ni Ate, haha! Hindi masarap :| Please, wag kayo kakaen, dyan na lang kayo uminom pero wag kayo kakaen, yung longganisa lasang paputok? :| After nyan, lumakad na kami ulet nang biglang umulan . . . ok . . . uwian ne! Pero nagkayayaan pumunta sa Resort na sinasabi ni Counselor . . . "Montreal" why not?! Go kami!  Yan lang ang maipapakita kong pic dahil nawalan na ng batt ang cam ko :| Hmmmm . .. . plans, plans, plans! Exclusive plans! Shhhh!!! :D
Uwian na talaga, wala masyadong nadaan na bus, pinauna ko na sila lahat :)) ako naiwan, nag jeep na lang ako hanggang Calamba dahil don may Terminal papunta Alabang. Sure na makakaupo ako. Habang nasa jeep ako, ang ingay nung babae don :| ang ligalig :| hindi ko na lang masyado pinapansin dahil inaantok ako at parang na-flat ang fes ko sa lakas at lamig ng hangin habang naandar jeep.
♥♥♥♥
|
inhaler
1.01.200912:59 PM
Dahil sa di namin alam kung New Year na dahil hindi synchronize ang mga relo dito, binuksan namin TV para makita namin yung mga nagsasaya sa Taguig. My countdown down. Nililipat lipat ko lang channel kasi nanonood ako Pirates ulet, si mami naman pabalik balik sa taas, gusto pakialaman yung sounds, papatugtugin na naman niya yung mga songs niya na parang tugtog Alabama! Pero ayaw ni kuya kasi naka fm yun, isang station lang kami naka tune in para sa buong street. 11:30 ata lumabas na ko dahil nagpuputukan na, si dadi din nagyaya na, sindihan na daw yung mga lusis. Sabay sabay naman nila sinindihan, natalsikan pa ko sa paa pati sa buhok, ay siya! Hindi ako makahinga, ubo ubo ubo, pasok sa loob. . . hinga. Naninikip dibdib ko, kala ko babalik na hika ko, hehe. Kumuha ako 3 lusis, sinindihan ko, at habang nakasindi e sinusulat ko yung name ko sa semento, ng biglang . . . "NNNNNGGGGGUUUUUAAAAAHHHHH!!!!! RATATATATATATATATATA!" Ay sows! 20 steps lang ang layo sakin ng nagpuputukan, kakabingi! Nung medyo tumahimik na, mas naririnig na namin yung sounds, pinalitan na ni mama :I nakapuslit ang culprit :I Pumasok na din kami non, hinanap ko ke kuya inhaler niya. Di pa nga ko marunong gumamit e, hehe! Ayun! Medyo lumuwag naman paghinga ko, hehe! Na-suffocate lang talaga ko. hehe!
♥♥♥♥
|
|