May gumising sakin . . . 4 am . . . si dadi :| ang aga naman, sabi ko mamaya na dahil 5:30 ko plano bumangon. Nae-excite ata ako kasi di ako makatulog, nakakainis yung ganun, sakit tuloy ng ulo ko ngayon. Pag bangon ko . . . BOGSH! Ang lameg!!! Nag-inet pa ko ng tubig, nung chine-check ko kung andon sa cr yung mga gagamitin ko . . . isa pang BOGSH! May naaaaapaka-laking gagamba! dum dum dum! Tinitigan ko lang siya, kasi baka gumalaw e :| at least alerto ako. Waah! Ayaw niya gumalaw, di ko naman mapalo ng walis kasi baka mutant yun bigla akong lagyan ng sapot! o kaya! Lumaki yung pwet niya! ooohh maaayy gaaadd!!! Hindi ko talaga mapalo kasi ewh. Kaya don ako sa kabila naligo :D
Tric na ko, nakita ko SLEX . . . yes! Walang traffic! Pagdating ko para sumakay ng bus . . . No! Walang bus! Buti may dumaan, pumunta pa ko Buendia para sabay sabay kami, sayang secret sayang. Habang andon ako sa bus, yung ako lang mag-isa, gusto ko manood ng tv, lagi naman e, para di ako antokin. Sabay yung lalaki sa harap ko, ang likot ng ulo amp! Nagsabi na nga akong "Pota!" kasi di ko maintindihan pinapanood ko. Bakit ganun? Bakit ang lilikot ng ulo ng mga naka-upo sa harap ko pag nasa bus ako, o kahit wala sa bus, sa room din, putrages yang ulo ni V******a.
Ayan, nakarating na ako sa Buendia, nag Siopao muna ako dahil gutom na ko, natalsikan pa ko nung sauce! Nabinyagan ang aking hoody. Tapos pinuntahan ko na sila Mely sa other side sa tapat ng terminal, sayang talaga. Antok na antok ako pero di ako makatulog, si Zaidee gusto pa videohan yung arch ng Pila . . . nung nakita ko naman huli na . . . letter P lang nakita ko! Ang dami naming nakitang lupang may tanim . . . "Agrarian Reform!" Uber din sa lameg!
So ayon, nakababa na kami sa Pila, akala namin kelangan pa pumunta sa Sta. Cruz, sabay picture na agad. Holiday so walang office. . . walang tao . . . walang mag-aasikaso. Buti nagawan ng paraan, kahit medyo iritado si Counselor. . . siguro natae siya nung dumating kami pero accommodating naman kasi kinuha pa yung susi para makapasok kami sa Church pati sa Museum, then walking tour para makita yung Restored Houses. Medyo di ako satisfied kasi mas mataas yung expectation ko na kumpul-kumpol yung houses, pero medyo hindi pati hindi mukhang old. haha!!

Eto ang una kong kinunan, church yung nasa left then dormitory yung nasa right.

Eto di ko alam kung Chinese inspired, eto yung
Municipal Hall ng Pila and kasali siya sa one of the most beautiful munisipyos daw.

Yan yung field ng plaza, may mga nag-sho-shoot ng commercials, movies, etc.
Dyan . . . madami langgam!

Eto daw yung isa sa pinakamagandang houses na na restore
mm, maganda yan :D

"Hardin sa Casa ni Juanito"
Masyadong bonggacious ang mga halaman kaya di makita yung bahay.
hardin na puro green :D

Eto ang Museum nila . . . mini lang

eto yung mga isa sa nakita ko, di ko lam kung ano toh :|
Puro numbers, kala ko typewriter pero puro numbers ang andyan
Sabi Calculator daw :|

:|
Sanay tayo sa GOMBURZA, ano?
Kala ko typo lang e, pero sabi, kahit pagbabaliktarin mo, yan pa rin yung 3 pari :|
Edi pede . . . ZAGOMBUR, BURGOMZA, GOMZABUR, BURAZMOG, MOGRUBZA
at marami pang iba.
~~~
So ayon, ambon, tigil, ambon, tigil. . . hanggang sa iwan na kami ni Counselor dahil siya'y may visitors daw. Pagkaalis niya, kaen na kami agad, may nakita kami mga tapsilog don sa tapat ng museum . . . tapat na tapat . . . pagkalabas mo pa lang ng pintuan ng museum e mapapakaen ka na : | Since kulang sa security yung town na iyon, pasasalamat na rin nila na may nagbabantay sa mga artifacts . . . sila manang :|
May nakita akong porkchop don sa kabila e, pero nagsi-upo na sila sa unang karinderya . . . eto ang menu!

Parang text twist lang!
Maiba lang ng syllable e ibang pagkaen na :|
Natatawa nga ko kasi mali mali yung naluto ni Ate, haha!
Hindi masarap :|
Please, wag kayo kakaen, dyan na lang kayo uminom pero wag kayo kakaen, yung longganisa lasang paputok? :|
After nyan, lumakad na kami ulet nang biglang umulan . . . ok . . . uwian ne! Pero nagkayayaan pumunta sa Resort na sinasabi ni Counselor . . . "Montreal" why not?! Go kami!

Yan lang ang maipapakita kong pic dahil nawalan na ng batt ang cam ko :|
Hmmmm . .. . plans, plans, plans! Exclusive plans! Shhhh!!! :D
Uwian na talaga, wala masyadong nadaan na bus, pinauna ko na sila lahat :)) ako naiwan, nag jeep na lang ako hanggang Calamba dahil don may Terminal papunta Alabang. Sure na makakaupo ako. Habang nasa jeep ako, ang ingay nung babae don :| ang ligalig :| hindi ko na lang masyado pinapansin dahil inaantok ako at parang na-flat ang fes ko sa lakas at lamig ng hangin habang naandar jeep.